You know your life's a joke, when you no longer see the humour in it.

Home » Post Item » RAW

RAW

Monday, September 5, 2005

28 oct 2005

unang bote

pota tlaga sarap uminom.lalo na malamig ang panahon.e wala naman ibang magawa e,sabayan ka ba naman ng friday na off na wala kang kasama, ang saya-saya di ba? lech kasi bakit nasanay ako…ang tanga-tanga ko talaga! buti na lang may internet shop na may beer…har! har! long live alcoholics! teka check ko muna boards…

2nd bote

damn! “second” bote! i sound so coƱotic na ate! hehe! eeeewwww! e ang haba ng spelling ng tagalog e bakit ba, e kung ano lumabas sa bibig ko diretso sa keyboards no!kainis no smoking…dapat walang mga bar na non-smoking, kawawa naman mga smokers sa pilipinas, very deprived…palala ng palala ang prejudice against smokers…bakit ba? kayo ba ang magkaka-emphysema ha?! hmp! teka balik boards…po-post ko na ang hindi ko ma-post…eto na… *tagal nung waiter paubos na beer ko*

3rd bote

yan…napost ko na pictures ni ted and fred…har har har! i feel sooooooo… wala… wala akong nararamdaman…wala lang… ni-challenge ko lang ang sarili ko kung kaya kong i-expose ang sarili ko…wala akong nafi-feel na fulfillment,,,kasi i know in the next few days idi-delete ko din yun… cguro ipinanganak akong closet nympho…bwahahahahaha… potah…ang sakit talaga…gusto kong matulog hindi ako makatulog…ilang libro na ung pinagpalit-palitan kong basahin pero wala akong naiintindihan… leche!beer pa! ilang araw ko ng pinipigilan pero ngayon hindi ko na kaya… kelangan kong mamanhid…. kelangan kong hindi makaramdam… hindi na ako dapat magtanong dahil ayaw ko na din ng mgs kabullshitang sagot… this too shall pass (yeah right!)… kaya kp to, lalaki lang yan (keep telling yourself that!)… he does not deserve me, i’m better off without him, e potah bakit hindi ako masaya… tama lang yung gnawa nya, e lechugas masakit no! alam mo ba yung masakit, the kind of pain that haunts you in your weakest moments, alm mo ba yung pakiramdam nun? hindi! at hindi mo mararamdaman…paano ba naman, masiyado kitang minahal…lahat na yata nagawa ko pwera na lang siguro yung magpabaril sa luneta…sa totoo lang, yun na lang ang lamang sa akin ni rizal! sa lahat kaya ng nagawa ko, ni minsan kaya, napasaya kita?yung masayang masaya? wag akong tanungin dahil nakakainis ang sagot ko….dahil sa lahat ng ginawa ko, masaya ako…masayang-masaya…yun nga lang…hobby mo na yata na iwan ako…

4th bote

pota last na dpat, qouta na ako.nasa tapat lang ang bahay pero ayokong magsuka…sa lahat ng ayaw ko e yung umiinom na nagsusuka…kung hindi mo na kaya, ilabas mo sa kanta, sa tawa, sa sayaw…or ganito…mgblog ka…wag ka lang magsuka….eeeewww! mabait sa kin ang alcohol kaya sumasama ang loob ko pag isinusuka lang siya, hehe ang drama ko talaga…o amats na?oo naman…apat na red horse, alam ko pag amats na ako no…wsh ko lang hindi pang txt ang tinatype ko…at tama pa ang spelling ko… pag sineswerte ka nga naman…babatukan ko na tong lalaki sa tabi ko…pls alng no, hindi ako nag-ayos at nagsuot ng blouse w/ plunging neckline for him no!taba nang tumingin sha, but to downright stare, pota, bubuhos ko sa kanya beer ko… (as if kaya ko!hmp! mga lalaki talaga, makakita lang ng boobs! hmp!)…teka namamanhid na ba ako? uhmmmm… hindi pa…sandali, isa pa dapat…teka…cge kaya pa…wish ko lang magising ako ng maaga para mabura ko ang mga pinagsusulat ko dito dahil sa totoo lang….these thoughts are raw…to the truest sense of the word raw.

5th bote

basahan! yan ang pakiramdam ko! basahan!na matapos malinis o mapunasan ang dumi at mga kalat, pwede nang itapon…para palitan ng mas maganda at mas malinis… hindi pwedeng magreklamo, magtaka, o magtanong, dahil isa akong basahan…bakit? pumayag naman ako di ba? ksalanan ko din naman…oo na…pero sawa na ako na akuin lagi ang pagkakamali…lech…ganun na lang palagi…mabuti ba sana kung sa katapusan may kadamay ako e…pero wala…kasi ang tanging makakaintindi sa kin ikaw din naman…pero katulad ng dati, sa ganitong pagkakataon, wala kang panahon sa luma mong basahan…

samantalang dati…tawag ka ng tawag…kahit hindi ka taningin, pinapaalam mo kung saan ka pupunta…ngssbi ka pag tutulog ka na…hniling ko ba yun? hinde! once a week, o minsan twice pa kung manood tayo ng sine…alam na alam mo kung ano ang gusto kong panoorin…every other week kung mag bar tau at almost every other day kung mag-mall o mag-coffee…did i ask for that?no i did not…it just…happened…kasi nga we’re friends…(daw…)but now you’re expecting that i’d unlearv to enjoy those things in a snap…hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinapagawa mo sa akin…. u hugged me, u kissed me w/o me asking and now u expect i unlearn how those things feel in just a snap… u don’t have any idea how difficult that is… you now have gf who can’t stand even a mere mention of my name and another female friend who’s replaced my position as your coffee companion who’s more acceptable to your gf just cause she doesn’t pose competition…. BUT AM NO COMPETITION! i just happened to your ex who’s dumb enough to still carry this torch for you pero alam ko na may mga pangarap na mananatilig pangarap na lamang…dahil hindi mo na ako kayang mahalin, hindi kita masisisis dahil siguro nga mas maraming eligible na babae na pumipila sa yo…i’m not exactly what one would call as eligible you know, i’m not exactly the type of girl a guy would like to bring home to his mom and would be proud of at the same time…tanggap kp yun…i know what i have to offer…andsad to say, it’s not enough for you…yung pagmamahal na ipinaramdam, ibinigay at ipinakita mo nung mga panahong tayo pa, na sana mas iningatan ko, yun ang pangarap ko… PERO NATANGGAP KO NA NA NGAYON PANGARAP LANG YUN… kaya nga nanghihiram na lang ako kahit konting oras e…pero ngayon wala na rin yun….and you can’t even imagine what i’m going through right now…

paano kaya ako uuwi?maglalakad as usual…pero lord, please lang…sana pag-uwi ko, hindi na ako umiyak, ayko nang makaramdam…para naman pag-uwi ko bukas, magandang mukha ang ihaharap ko sa baby ko….siya na lang ang natitirang maganda sa buhay ko…and i wanna give her all i’ve got… yung mga bagay na hindi naappreciate ng iba, sana paglaki ng babay ko, kahit paano, ma-aapreciate nya…

lord, ayaw ko na pong umiyak…malungkot ako… malungkot na malungkot… hindi na ako mkapagsabi sa mga kaibigan ko dahil babatukan na talaga nila ako sa katangahan ko…at nahihiya na rin ako sa kanila…lord hindi ko kine question ang mga plans or decisions mo…pero sana ipaalam mo po sa akin ang dahilan kung bakit ako nagmahal ng ganito katindi sa taong hindi naman ako kayang alagaan, pahalagahan at mahalin…hindi naman ako naghahanap ng kapalit, nagtatanong lang, gusto ko lang maintindihan…pasensha Ka na ha, nasasaktan lang ako talaga, alam Mo naman siguro how much he means to me, pasensha ka na talaga…at sana sa tuwing pag-iyak ko, patahanin mo naman ako…napapagod na din po ako…not mine but Thy will be done…

Posted by swtsexythng at 10:37 pm | permalink

Comments are closed.