memory chest
swtsexythng
SWTSEXYTHNG n.
/any way u wanna read it/
an online identity taken from a '97 hit
syn. ME
"MY BRAIN IS BIGGER THAN MY BOOBS!"
aries. coffee addict. single mom.
digs~snickers.junk foods.
blue roses.lines from dawson's creek.clothes.shoes.bags.accessories.
matched with style.and attitude.
loves~music.dialogues from films.
sparks.rowling.books.travels.sketching.
learning to cook.both life and food.
hopeless romantic.emotional spendthrift.
meantime girl.drama queen.
a little bit of everything.
a nonconformist who believes in
happy endings.jaded.hopeful.
contradicting.
has a conflicting love affair with words.
and human entanglements.
ODEO
Comments
- raine: sis! belated happy birthday ...
- raine: wala ng bibitaw....sana tuloy tuloy...
- Raymund Pogi!: happy birthday... real superwoman... hehe......
- raine: oh shit. and here i...
- raine: gurl wat po new num...
THE BUS
Friday, November 25, 2005madaming beses ko nang naranasan ang bigla na lang pagkausap ng mga taxi driver, jeepney driver, pulis na nagda-drive ng hagad, security guard ng airport, waiters at iba pang mga tao sa kalsada. ayon sa isang ‘kaibigan’, siguro daw dahil mukha akong madaling kausapin (ang translation kaya nun ay mukha akong utu-uto?). pero minsan lang nangyari na ang kumausap sa akin ay kakilala ko talaga, uhmmm…hindi ko lang matandaan kung sino siya pero kilala niya ako.
linggo, nov 20.sumakay ako ng bus pauwi ng san pablo.madami ng tao sa bus kaya sa may bandang huli na ako nakaupo.medyo natutuwa ako kasi babae ang katabi.ayoko ng magkwento tungkol sa mga lalaking nakakatabi sa bus, masiyadong hahaba. pagkaran ng mga 15 minuto, nag-ikot na ang kundoktor ng bus para magbigay ng tiket. pagkakuha ng tiket, inihanda ko na ang pera kong pambayad habang umiiling dahil tumaas na naman ang pamasahe.10 minuto. nag-ikot uli ang kundoktor para kumuha ng bayad.nag-umpisa na akong magbasa ng baon kong libro pagkatapos na pagkatapos kong iabot ang bayad ng biglang magsalita ang kundoktor.
“ANNA?!”
medyo malakas ang boses niya. syempre tinawag nya ang pangalan ko at tumingin ako.nung makita nyang blangko ang mukha ko, inulit pa niya, medyo mas malakas kaya napatingin na nag mga ibang pasahero sa bus.
“ANNA?! ANNA (idinugtong pa niya ang apelyido ko)!”
naglilingunan na talaga ang mga tao pero ayaw papigil ng kundoktor sa pagsasalita habang ako naman ay walang masabi, pilit kong inaalala kung sino siya at kung saan ko siya nakilala pero wala talaga.nagpatuloy siya sa pagsasalita ng hindi ako makaimik.
“di ba ikaw si ANNA (sinabi nya uli ang apelyido ko!) ? skulmeyt mo ako nung high school kaya lang ibang section ako. ikaw yung laging first honor na nag-le-lead sa program nung high school…”
wala akong nasabi kundi “SPC ka rin nag-high school?” at nagpatuloy pa siya…
“oo, knights of the altar ako. ikaw yung maraming awards lagi nun di ba? yung barkada mo yung sinasaluduhan namin nun…”
pakiramdam ko talo ko nun ang mansanas sa pamumula dahil medyo nakuha ng kundoktor ang pansin ng mga pasahero and damn they’re checkin’ me out! gusto ko sana nun malubog sa kinakaupuan ko sa hiya…hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kundoktor na dati ko palang ka-eskwela. nagsalita pa uli siya.
“kumusta ka na? saaan ka na nagwo-work?”
sumagot naman ako. “sa makati, sa (name of the company)”
sagot din naman siya. “siguro manager ka na no?”
halata sa mukha niya na alam niyang sasagot ako ng ‘OO’. ngumiti na lang ako. sabi ko, “hindi, hindi ako manager.”
akala ko wala siya masasagot pero nagkwento siya.
“ako pitong taon na dito sa kumpanya. may asawa na ako. tatlo na nga anak ko.ikaw, kumusta ka na? may boyfriend ka na ngayon? “
sa pagsasalita niya, halatang masaya siya sa buhay niya. naalala ko na may tinatanong siya.
“wala, wala akong boyfriend. pero may baby na ako.”
sabay tawa uli siya.”ah nag-asawa ka na! sino?”
sagot agad ako, “hindi, single mom ako. wala na kami nung dad ng baby ko. hindi ako nag-asawa.”
nawala ang ngiti niya, “bakit naman ganun? ang sama naman nung lalaking yun. hindi marunong mag-isip. hindi niya siguro alam kung sino ka.” sabay bawi naman siya “siguro ang cute ng baby mo!”
ngiti uli ako, “oo naman!” bawi din ako, “hayaan mo early next year, magpapatawag ako ng meeting para ma-organize reunion ng batch natin (good luck sa akin, 500+ students ang batch namin!)”
natuwa naman siya, magsasalita pa sana siya ng magsalita nag katabi ko, “ma, yung sukli ko…” nagpaalam na siya.
“sige ha, babalik na lang ako dito mamaya,trabaho muna.”
halo-halo ang pakiramdam ko. naroon ang hiya dahil sa mga taong tumitingin, baka kung ano-ano ang iniisip nilang makita at madismaya lang sila. hindi ko minamasama ang ka-eskwela ko. sa totoo lang, na-flatter ako. madami siyang ipinaalala sa akin. “siguro manager ka na…” ha! ako manager? wala naman akong planong tumanda sa posisyon ko.alam ko kaya kong paunlarin ang sarili ko, medyo hinay-hinay nga lang. pero ipinaalala niya sa aking kung gaano kalaki ang inaasahan ng ibang tao sa akin. ipinaalala niya sa akin na nagpapahuli na ako sa karera na sinimulan ko noon. para ngang nakalimutan ko na akung ano man yung sinimulan ko.ano nga ba yun?
“…hindi niya siguro alam kung sino ka…” sino nga ba ako? parang iba na yung taong kilala niya nung high school. parang ang layo ko na sa taong yun. pero hindi ko masabi sa kaeskwela ko na nagbago na ako. parang hindi ko kaya na siya mismo madismaya pag nalaman niya na yung hinahangaan nila nung high school, hindi naman gaano kahanga-hanga.
iniisip nila na malayo ang mararating ko sa lalong madaling panahon, na ako yung taong walang pagkakataong mapariwara, na sa buhay ko, lahat tama, lahat maganda. malayo ang mararating ko, pero nandito pa rin ako ngayon, napag-isip tuloy niya ako. bakit nga ba ako nandito? at saan nga ba ako pupunta? at bakit at paano nga ba ako nagbago?
bakit at paano ko ibabalik yung taong tinutukoy kundoktor na kaeskwela ko… gusto ko ba talagang ibalik yun?
matagal na akong kinukulit ng iba ko pang ka-eskwela. ayusin ko na daw ang reunion. sinabi ko sa kanila noon na humahanap pa ako ng tiyempo. ang totoo, natatakot ako. maging katulad din kaya ng kundoktor ang reaksiyon nila? pero naisip ko hindi naman ako dapat magdamot at kelangan ko na talagang ayusin ang reunion.
salamat sa kundoktor sa pagpapaalala na minsan may sinimulan ako na kelangan kong ituloy, sana lang maalala ko kung ano yun… na dati ibang tao ako, hindi ganito…at dahil nakilala pa rin niya ako, ibig sabihin may kaunting bakas pa rin ng taong yun ang naiiwan ko sa akin…sana tama na yung kaunting yun para maibalik ko yung dati… kahit pahinay-hinay, hindi naman ako nagmamadali… funny how trivial incidents make you reflect on things as such. if only you can do something about those things.



i was asked a sort of similar question today. hindi naman sa minamaliit ko ang trabaho natin pero para bang sinasabihan niya ako na i can do better. motivating at the same time nakakadown din.
Posted by shugabu at November 26, 2005, 7:56 am